Shokoy sa Aplaya, umatake umano sa mag-asawa, misis patay


DIGOS CITY – Patay ang isang misis matapos umanong atakehin ngshokoy sa karagatan sa Barangay Aplaya, Digos City, Davao del Sur. 
Sa mensahe na ipinaabot sa Brigada News FM Kidapawan, kinilala ang biktima na si Ailyn May, nasa legal na edad, residente ng Makilala, North Cotabato habang sugatan naman ang mister nitong si Corporal Dio Cesar Española, miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Naisugod pa sa Digos Provincial Hospital ang biktima ngunit binawian ito ng buhay habang and mister nito ay nagpapagaling na sa ngayon na nagtamo ng mga kalmot sa katawan.
Ayon sa report, nakita umano ng saksi na mag-asawang Ruben Zambo at Nenita na inaatake ng isang hindi nalamang uri ng hayop ang mag-asawa noong nakaraang gabi.
Inaalam na ng mga otoridad ang naturang pangyayari para malaman kung anung nilalang ang umatake sa mag-asawa.

Shokoy sa Aplaya, umatake umano sa mag-asawa, misis patay Shokoy sa Aplaya, umatake umano sa mag-asawa, misis patay Reviewed by on 11:55:00 AM Rating: 5